Yu mek shapeng my Pamele...!!



Yu mek shapeng my Pamele..!!



Hehe...na intindihan nyo ba ang title? Ibig sabihin sa tunay na Ingles ay
"You make shopping my family" Nag isip din ako ng ibang title tulad ng "Cyber Love" o kaya..
"Pag ibig sa kabilang dako".

Pero meron yung kaklase ko na si Rachelle sabi nya "Yu mek shapeng my pamele" haha natuwa naman ako kaya yun ang linagay ko dito, yun daw kase sinasabi ng mga pinay na nakakadawi ng kano. Inglesera kase yun si classmate kaya nakakatawa ng sinabi nya.

Mabalik tayo sa usapan. Napansin nyo ba? Madaming dayuhan o porener dito sa Pilipinas na puti at karamihan sa kanila ay matatanda na. Mga lagpas 50 na.. Tapos yung chika babes nila ay Pinay na EXOTIC!!! O..dba!? totoo naman!? EXOTIC talaga... ako sasabihin ko na ng bulgar. Mukhang katulong!! Karamihan sa mga to... nagkikita sa internet. Sa mga love site na yan na kung mag ta-type ka sa google e ilalagay mo lang "Date a pinay". Seryoso ako sige subokan mo.

Take note ha....yung mga anak nito ginagwa nating artista o model. Kase gwapings nga naman perfect example Sam Milby, Gerald Anderson, Polo Ravales.. mga half ang mga to na ubod ng pangit ang mga kuan pero ampopogi nila. Ginagawa din po natin silang basketball player kase ang lalakas maglaro at ang tatangkad pa... sino? Danny Siegle, Jared Dilinger, Kelly Williams, Gabe Norwood, Greg Slaughter at sangkatotak pa...


Syempre e wala naman masama, ikanga e kanya kanyang trip yan. Trip ni Kano exotic, Trip din naman ni Pinay ang matandang mapera a este father figure pala na financially stable. Makikita mo sila kadalasan sa SM, Trinoma, Robinsons at iba pang mall na pang middle class to upper middle class.

Eto na yung SHOPING PART nakita nyo na ba kung saan kasama ni BABAE ang kanyang buong ANGKAN pamangkin,tito,tita,lolo, lola,tatay (minsan wala tatay ma pride kase) nanay, kapatid, asawa ng kapatid kasama sa SHOPPING. Lahat ng myembro ng pamilya abot langit ang ngiti!!!
Dala dala ang mga shopping bag na pinamili ni KANO... Mas tuwang tuwa yung nanay na kung titingnan mo e parang first time makapasok sa MALL..

Totoo to..sige, punta ka ng mall ng mga 4:30 to 6 makikita mo ang mga yan... Yung kano mejo my edad na, na mukhang pedophile. Damn....!!!!





Basta FYI lang po ah...sa mga tatamaan. Ito ay mga obserbasyon ko lang naman at hindi ko batid na mang inis o atakihin kayo. Pero marapat naman sana nating intindihin na ang Amerekanong matandang yun ay hindi gatasan ng buong angkan at paraan para maka ahon sa kahirapan. HANEP =D


-Kim Ian M. Tumblod