Filipino Basketball
Alam naman nating lahat na adik tayong mga Pinoy sa basketball.
Ang ring ng basketball ay 10ft, 28mt by 15 mt ang haba ng isang basketball court.
ang average height ng isang NBA player 6.7. Ang average height naman ng PBA natin (mga pro natin) 6,2 ang layo ng deperenya. Pero sige lang tayo
Ang liliit natin, Ako nga my height lang na 180cm (5.11 .5) matangkad na sa Pinas pero bakit o bakit ang hilig natin sa larong basketball?
Kahit saang barangay at sulok ng Pilipinas merong basketball court. Nasa orange county ka man o sa bundok, o KAHIT sa squaters area na walang court gagawa at gagawa tayo ng paraan para makapag laro lang ng basketball. Deba totoo!?
Ako din naman gusto ng basketball. Pero na tanong mo na ba sa sarili mo? bat nga ba mahilig ang pinoy sa basketball. Hindi naman tayo lahi ng higante. Kung iisipin football ang dapat na laro sa atin. Dahil tama lang ang tangkad natin,madami naman sa atin 5.8 above na pwede makipag sabayan sa mga Europeans. Mabilis naman tayo.
Pero bakit Basketball? Sa tingin ko alam ko sagot.... Kase na implowensyahan tayo ng mga kano. Kung saan gusto natin puro pa siklab, Example si Manny Pacquiao individual lang at talagang pa siklab. Yung football kase (soccer) ay boring kailangan ng pasensya. Di bagay satin, gusto kase natin ma aksyon, gusto natin slam dunk ala Michael Jordan. Kung nanonood ka ng basketball makikita mo ang laro natin pattern sa Amerikano. Mabilis at pasiklab lahat parang gusto mag score. Grabe dribble ng bola grabe pa crossover crossover pa.. Pero di dapat ganun paglaro nyan dapat team play.....Parang Europe style kung saan lahat makakahawak ng bola.
Maliliit talaga tayo aminin na natin yan. Pero mahal natin ang basketball narinig nyo na ba ang saying na "If loving is wrong I don't wanna be right" parang ganun tema sa basketball.
Kahit na hirap na hirap tayo sa FIBA dahil sa tangkad, sige parin tayo laban lang ng laban.
Ang pinaka matangkad na natin 6,9 swerte na kung maka kuha tayo ng 7ft na bano.
Yung kalaban naman natin 6.11- 7,0 lahat ng center. Well karamihan.
Pero eto ang mabigat na at nakaka-bilib na katotohanan. Matalo man tayo ng China, Iran o kahit USA pa yan mamahalin parin natin ang basketball at lalaban tayo at lalaban. Ganun tayong mga pinoy matigas ulo, jail walking nga di maayos ayos. Pagmamal pa kaya sa basketball na kinalakihan na nating lahat. =)
Oh...guys check this out http://www.youtube.com/watch?v=4hLJ8Y5Dlgo hehehe James Yuck!!!